SA PAKIKIBAKA TUNGO SA PAGBABAGO
Ang pagkakaroon ng maraming anak... ay isa ring militanteng pakikibaka tungo sa pagbabago...
Para maiba naman, pinili ko ang topic na ito sa aking Blog dito sa PES. Una gusto kong ipaunawa sa mga mambabasa na hindi ito political piece o isang advocacy propaganda. Ito ay--- wala lang. Wala lang ako maisip na erotikong paksa, at the moment.
Yung title ng paksa na ito ay ganito sa English. “On militancy and Change”, di ako sure kung tama ang translation ko. Parang humihina ako sa English matapos kong matanggap ang apat na magkakasunod na rejection ng English Erotic stories ko. (Bakit naman kasi nagpipilit pa si akong gumawa ng English novels, eh English Carabao naman si ako!)
Pero balik tayo sa topic. Ayon sa isang author, (kamote, nakalimutan ko yung name nya.) Mayroon daw tatlong uri ng tao sa ating lipunan. Tatawagin daw nya ang mga ito na yung ‘MERON’, ‘ yung ‘WALA’. At yumg ‘MERONG KONTI’. (Lilinawin ko lang na yung pangatlo, ay hindi yung iniisip nyo na may tililng sa utak!)
Sa English, ang tatlong uri daw ng mga tao sa aiing lipunan ay the haves. The have nots and have ...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





